Vaccination Registration

Filled under:

From Marikina PIO : Ang Covid-19 vaccination registration links ay ma-aaccess na! Ginagawa  po natin ang Online Registration upang ma-identify at ma-validate ang medical eligibility ng mga tatanggap ng bakuna. 


Upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng mga pumupunta sa vaccination center (Marikina Sports Center), muling pinapaalala na tanging mga naka-schedule na babakunahan lamang ang papayagan sa loob ng vaccination site, hindi na po tatanggapin ang walk-in, simula Lunes, April 12, 2021.



Marikina City Booster Vaccination

Ang pagbabakuna ng BOOSTER shot para sa mga taga-Marikina ay isasagawa na. Ang mga nakatanggap ng 2nd dose sa Marikina City ay HINDI NA kailangang magregister muli para sa booster shot. Lahat ng nakatanggap na ng 2nd dose, anim (6) na buwan ang nakalipas, ay maaaring makatanggap ng booster. Ang pagbabakuna ng booster ay ayon sa petsa ng inyong 2nd dose. Alinsunod sa guidelines ng Department of Health (DOH), uunahin at bibigyang prayoridad pa rin ang mga taga-Marikina na nasa A1, A2, at A3 na mga kategorya.

Ang booster shot ay bukas para sa lahat ng taga-Marikina. Ang sino mang may kagustuhang makatanggap ng booster shot ay makatatanggap. Kung ikaw ay residente ng Marikina at gustong magpa-booster shot ngunit hindi rito nakatanggap ng 1st dose at 2nd dose, mag-email lamang sa marikinacovidbooster@gmail.com

Upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng ating vaccination sites, maghintay ng text, tawag, o stub para sa inyong schedule ng bakuna.

Maraming Salamat po!

Sa Marikina, Ligtas at Panatag ka!



Pediatric Covid-19 Vaccination Registration


Narito na ang online registration para sa pediatric Covid-19 vaccination (edad 12 hanggang 17) sa Lungsod ng Marikina. Ang form na ito ay dapat sagutan ng mga magulang na may anak na nasa edad 12-17 na naninirahan o nag-aaral sa ating lungsod.

Alinsunod sa guidelines ng Department of Health (DOH), ang mga kabataan na 12-17 taong gulang na may comorbidity/ies ang una munang babakunahan. Kasunod nito ang mga kabataang edad 12-17 na walang comorbidity. Ganito ang order of prioritization na susundin ayon sa DOH.

Upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng ating vaccination sites, tulad ng dati, matapos magpa-rehistro ay maghintay ng text, tawag, o stub para sa iyong iskedyul ng bakuna. Ang tatanggapin lamang sa vaccination site ay ang mga pre-registered.

Maraming salamat po!

(*Kung nakakaranas ng errors sa registration, maaaring gumamit ng Google Chrome, Mozilla Firefox o Microsoft Edge web browsers sa inyong computer o cellphone.)

CLICK HERE.

 


0 comments: