Showing posts with label People. Show all posts
Showing posts with label People. Show all posts

4.11.2016

The New Lola Helen

Filled under: , ,


Once again, Lola Helen Panciteria never failed to amaze us.  She has totally transformed herself from that dark gloomy panciteria of the 90's, to the huge lively food corner of the new century. She recently re-opened their new store at the same location, situated along JP Rizal Street, Sto. Niño.  Just cross the Marikina bridge and make a quick right turn on the first corner.  You will surely never miss them with this enormous sign outside their store. Same food, same taste, just a better, more cozy dining area.
Photos: (Top Left - Lomi con Lechon - P160 | Top Right - Fried Rice - P60 | Bottom Left - Lumpia Shanghai - P125 | Bottom Right - Tortang Macao - P150)
New building, new furniture, new signages, but same employees and same good 'ol comfort food.
This is gonna be good news to all Lola Helen fanatics out there. Their food prices are still the same and they never changed their menu. That is more more delicious food for more more happy customers.  And look, they still use their walis tingting trademark to have that authentic Lola Helen feel. We would like to thank the loving owners of Lola Helen Panciteria, Mr. Ruben and Mrs. Pacita de Guzman, for inviting us again to their humble pansitan. Kudos to their attentive and courteous cooks and staffs. To know more about Lola Helen Panciteria, you may click here.

Posted By Marikeño1:26:00 PM

4.03.2016

Marikina Election 2016


National elections of government officials including city level will be held on 9th May, 2016.  Barangay elections are expected to be held in October 2016. Although selecting the right people to sit on those positions may not be that easy for us especially for those who dream about big changes and developments, it would still be best to know who they are and what their backgrounds are. So here they are, our candidates. Please know them well and take some time to do some research.  Vote wisely and make it count. Photos were taken from marikina.gov.ph and their respective Facebook accounts and fan pages.
Running for Mayor positions are : Marcy Teodoro (NPC) and Del De Guzman (LP)

Running for the Vice Mayor Positions are : Doc Marion Andres (NPC) and Jose Fabian Cadiz (LP)
Running for Congressman | House of Representatives Positions for District I are: Bayani Fernando (NPC), Samuel Ferriol (LP) and Jopet Sison (IND)
Running for Congressman | House of Representatives Positions for District II is Miro Quimbo
Running for City Councilor Positions for District I:

  • Acuña, Kambal (LP)
  • Aguirre-Paz, Eva (LP)
  • Alejaga, Jahn (IND)
  • Almocera, Ama (PDPLBN)
  • Andrade, Direk (IND)
  • Angeles, Efren (IND) 
  • Banzon, Joseph (LP)
  • Bernardino, Bojie (NPC)
  • Carlos, Lea (NPC)
  • Casimiro, Cloyd (LP)
  • Chavez, Manager (LP)
  • Cruz, Doc Uro (IND)
  • Cruz, Romeo Jr. (IND)
  • De Leon, Mario (LP)
  • Llabres, Boyet (IND)
  • Lozendo, Kenneth (PDPLBN)
  • Marco, Ferdie (LP)
  • Mascariña, Boyet (NPC)
  • Mendoza, Kap. Celso (IND) 
  • Santos, Thaddeus Antonio (LP)
  • Sarmiento, Manny Tarangka (NPC)
Running for City Councilor Positions for District II:

  • Candazo, Petcho (NPC)
  • Cruz, Anna (IND)
  • Cuaresma, Ariel (LP)
  • Dayao, Paul (LP)
  • De Guzman, Levy (LP)
  • De Torres, Eric (NPC)
  • Del Rosario, Mark (LP)
  • Diazen, Xhy (LP)
  • Favis, Donn (NPC)
  • Flores, Ernesto (LP)
  • Habigan, Erick (IND)
  • Lardizabal, Paul (IND)
  • Magtubo, Judy (LP)
  • Ortiz, Ronnie (NPC)
  • Ortiz, Tito (IND)
  • Pitero, Mark Laurence (IND)
  • Ponce, Boy (IND)
  • Punzalan, Larry (NPC)
  • Reyes, Bogs (LP)
  • Salac, Dave (KBL)
  • Tolentino, Elvis (IND)
  • Tolentino, Socrates (IND)

Posted By Marikeño11:20:00 AM

7.07.2014

Patricia Ismael

Filled under:


Madalas nating makita si Patricia Ismael sa mga naglalakihang pelikula, mga programa at patalastas sa telebisyon. Malimit nating siyang mapanood sa telebisyon bilang katulong, kontrabida, sidekick at komedyana.  Nagpapatawa at naghahatid sa ating manonood ng tuwa at kasiyahan. Ngunit alam niyo ba na isa rin siyang Marikeña?

Kilala siya ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa pangalan na Maria Christina Ismael o Tina sa totoong buhay. Ipinanganak siya sa Caloocan at merong dalawang nakababatang kapatid.  Madalas silang magpalipat ng bahay noon. Sandali lamang silang tumira sa Caloocan, tapos ay lumipat sila sa Muñoz at nung huli naman ay sa Tondo.

May konting pagka-mataray daw siya noong bata siya kaya medyo hirap siyang makahanap ng mga kaibigan. Hilig niyang kantahin ang mga awitin nina Eva Eugenio, Janet Basco at lalung lalo na, si Imelda Papin. Kapag iniiwan daw sila ng kanilang nanay sa bahay upang magtrabaho, madalas niyang kinakantahan ang kanyang mga kapatid ng awitin ni Imelda Papin na "Huwag". Naniniwala din siya na iba ang pagdidisiplina ng mga bata noong araw kaysa sa ngayon.

Gaya ng ibang mga bata, nahilig din siyang maglaro ng patintero, piko at tagu-taguan. Naikuwento niya sa akin na noong minsang natuto siyang mag-luksong lubid ay buong araw siyang nagtatalon. Inikot niya ang kanilang buong lugar maghapon kakalaro ng luksong lubid. Pagkatapos ay umuwi nang pawis na pawis sabay naligo ng malamig na tubig. Noong kinagabihan ay sumakit ang kanyang buong katawan at idinahilan na "namamatanda" daw siya kaya siya nagkaganoon.

Sa General Vicente Lim Elemetary School siya nag-aral ng Elementarya at sa Manila High School naman siya nagtapos ng high school. Parehong nakatapos siya na merong nakamtan na karangalan. Noong nasa kolehiyo siya, napagdesisyunan niyang sa Unibersidad ng Santo Tomas siya mag-aral hindi lamang dahil sa maganda ang turo dito, ngunit dahil na rin sa ito ang isa sa mga pinakamadaling puntahan na kolehiyo kung galing ka ng Tondo. Doon siya nakapagtapos ng kursong Mass Communication na kung saan ay naging kasabayan niya sina JV Villar (TV reporter) at Jennifer Sevilla (ex-actress).

Noong taong 1997, naimbitihan siya ng kanyang kaibigan na dumalo ng isang pagtitipon sa Music Box, isang sikat na comedy bar sa Quezon City.  Dito nakilala ang mga tanyag na mga komedyante gaya ni AiAi delas Alas, Arnel Ignacio, Ate Gay at Tsokoleit.  Dito siya nagsimulang kumanta at dahil sa kanyang kakulitan sa mga hosts at sa galing magpatawa ay nagustuhan siya ng mga manonood. Sa kadahilanan na ayaw niyang makilala ng ibang tao, Patricia Ismael ang kanyang ibinigay na pangalan na siya na rin niyang ginagamit ngayon na screen name sa telebisyon at pelikula.

Itinuturing niyang mga dakilang mentor niya sina Ate Gay at Inang Sonny Pinca.  Sila ang nagturo sa kaniya ng tamang ritmo sa pagkanta at tamang timing sa pagpapatawa.  "Kasi kapag bata ka, bato ka lang ng bato ng mga sinasabi mo. Daldal ka lang ng daldal. So, sila ang nagtatama noon. Tinuruan nila akong magsalita ng mas mabagal," sabi ni Patricia.

Nadiskubre siya noon para sa telebisyon noong nagtratrabaho siya sa Basilica sa Malate.  Panauhin nila sina Maryo J. delos Reyes (tanyag na direktor) at Linggit Tan, isang executive ng ABS-CBN. Naghahanap daw sila ng babaeng komedyante para sa isang bagong palabas sa telebisyon nina Aga Muhlach at Joyce Jimenez na "The Body and the Guard."  Kinabukasan ay tinawagan agad siya ng isang talent coordinator na si Winnie Mariano para mag-audition.


Hindi man ipinanganak si Patricia sa Marikina, malaki pa rin ang papel ng Marikina sa buhay niya dahil dito na sila nakapag-asawa ni Barette. Dito na nila nabili ang pinapangarap nilang bahay pitong taon na ang nakakaraan. At dito sila binayayaan ng isang pagkaganda-gandang anak, si Cleona.  Nang kamustahin ko naman ang buhay nila dito sa Marikina, eto ang kanyang nasabi: "Relaks ang buhay dito sa Marikina, tahimik.  Puwera lang sa kapitbahay ko na nag-aalaga ng sandamukal na aso." Sabay tawa. "Hilig kong magbasa ng mga libro kapag walang ginagawa.  Gusto ko ang The Secret, sinulat ni Rhonda Bryne at mga vampire books ni Anne Rice." Dagdag pa niya. 

Mapapanood na ngayon sa sinehan ang So, It's You with Karla Abellana and Tom Rodriguez. Siyempre, kasama si Patricia. Tapos ay meron din tayong ibang aabangang pelikula gaya ng The Gifted kasama sina Anne Curtis at Sam Milby.  May project din siya sa TV5, ang pagbabalik-tambalan nina Megastar Sharon Cuneta at Richard Gomez.

Nang hingan namin siya ng payo para sa ibang Marikeño na nagnanais maging komedyante tulad niya: "Like what you do. Para yung ginagawa mo, hindi siya trabaho. Kung gusto mong pumasok sa pagiging komedyante, mag-invest ka." At paano mag-invest ang mga komedyante (pahabol ko)? "Magbasa ng maraming aklat na sinulat ng ibang komedyante.  Watch comedy shows pero huwag kopyahin ang kanilang materyales. Come up with your own. Be unique!" Pagtatapos ni Patricia. Sundan si Patricia sa Facebook sa kanyang GreatFinds.

Pasasalamat:  Maraming maraming salamat sa grupo ng Greg & Sally Tree Garden Cafe na matatagpuan sa #145 Ipil corner Champaca Street, Marikina Heights.  Maaliwalas ang ginawa naming interview kasama si Patricia Ismael at pagka-sarap sarap ng mga pagkain.  Maraming salamat din sa mga litrato na kuha ni PJ Eclevia.

Posted By Marikeño6:34:00 AM

3.14.2014

Mr. DJ Martin D


Sino ba naman ang hindi pa nakakakilala at nakakarinig sa napakagandang boses ni Martin Oliver Solis Dipasupil o mas kilala sa pangalang Mr. DJ Martin D ng FM Radio Station ng ABS-CBN sa Metro Manila, MOR 101.9 For Life?? Lalo na kung ikaw ay isang masugid na nakikinig sa kanyang programa linggo-linggo. Pinuntahan ko siya sa kanyang radio booth sa ABS CBN sa Quezon City para makilala ko pa lalo ang tao na nasa likod ng mikropono.

November 1, 1996, Labing walong taon na ang nakalilipas nang matanggap ni Mr. DJ Martin D ang pinakaaasam niyang trabaho sa DWRR 101.9 FM na ngayon ay mas kilalang bilang MOR 101.9 For Life. Pero bago pa mangyari iyon, nanggaling din siya sa iba’t ibang istasyon ng radio bilang disc jockey at production assistant.  Nakapag-trabaho rin siya bilang isang salesman sa isang kumpanya ng alak, bagay na hindi naman niya pinagsisisihan. Dahil na rin sa sikap, tiyaga at lakas ng loob niya sa kanyang trabaho, ngayon ay nakapagpaaral siya ng kanyang tatlong anak sa mga esklusibong paaralan, nakapagpatayo ng sariling bahay at nakabili ng kotse.  Ngayon, siya ay nagtatrabaho sa ABS-CBN bilang isang radio production specialist, Lunes hanggang Biyernes.  Sa araw naman ng Sabado ay umeere siya sa MOR 101.9 For Life! mula ala-5 ng umaga hanggang ala-9 ng umaga. Siya ang DJ na walang pahinga! Dahil ultimo araw ng Linggo ay may programa pa rin siya mula ala-5 ng umaga hanggang ala-12 ng tanghali. Sa dami ng trabaho niya, hindi ko napigilan ang aking sarili na tanungin siya kung ano nga ba ang kanyang sikreto para mapanatili ang kanyang magandang boses. "Wala naman. Well, I drink cold water.  Grabe akong manigarilyo noong araw, pero ngayon, hindi na. walang akong maintenance. No honey, no warm water."

Hindi biro ang magtrabaho sa isang kumpanya ng labing walong taon. Nang tanungin ko siya kung paano niya inaalagaan ang kanyang trabaho, eto ang sabi niya.  "When I go on board I always remember that I’m not here to entertain myself. I’m here to entertain them (listeners). Kaya ang assignment ko everyday, kailangan at least may isang tao akong mapangiti o mapatawa na nakikinig sa program ko, masaya na ako. And I always consider my board work as my last. Iyun bang, last na ‘to wala ng Martin D bukas kaya dapat maganda ang programa ko.”

Naikuwento niya din sa amin ang tungkol sa kanyang opisyal na tagapayo at boss, walang iba kundi si Lito "LBJ" Balquiedra Jr.,(+) dating bise presidente ng Manila Radio Division ng ABS-CBN.  Lagi niyang naaalala ang mga matitindi niyang mga paalala gaya ng "When you're on board, you go on board good. Give your best shot. You don't have to stand up. Concentrate!"  Hinding -hindi niya malimut-limutan ang interbyu sa kanya ni “LBJ” para sa inaaplayan niyang trabahong disc jockey.  Tinanong siya ng "Anong meron ka para makumbinse mo ako na kunin kitang disc jockey sa isang prestihiyosong- prestihiyosong FM Radio ng ABS CBN?"  Eto naman ang kanyang isinagot, "Sir Magaling ako, Hindi kita papahiyain. Confident ako at meron akong kompiyansa sa sarili."  At dahil sa sagot na iyan, noong ala-5 ng umaga ng November 1, 1996 unang napakinggan sa himpapawid si Mr.DJ Martin D at patuloy pa din natin siyang napapakinggan sa radyo hanggang ngayon.

Mahilig siyempre si Martin D. sa musika. Gusto niya ang new wave songs, "Paborito kong makinig sa tugtugin ng The Cure, Siouxsie and the Banshees, The Smiths, New Order at marami pang iba." Marami na rin siyang nakilala at nainterbyu na mga sikat na mang-aawit dahil na rin sa kanyang trabaho. Ilan sa mga foreign artist na naka-usap niya ay sina Mike Francis, Rex Smith, Air Supply, Angela Boffil at iba pa.

Ipinanganak si Martin D. sa San Juan at doon na rin lumaki.  Noong 1983, napagdesisyunan ng kanyang mga magulang na lumipat sa Marikina. Nang kinamusta ko ang mga unang taon nila noon sa Marikina, eto lang ang kanyang nasabi. "Naku po! To be honest, ayokong umuwi ng Marikina. Kasi, parang ang layu layo. Kapag tinatanong ako kung saan ako nakatira at kapag sinagot ko na sa Marikina, sasagot sila ng 'Ah, sa bundok.' Iyan ang una nilang sinasabi.”

Bukod sa Aquinas School sa San Juan, si Martin D. ay nag-aral sa OLOPSC noon at sila ang pangalawang batch ng high school graduates noong taong 1987. Una silang nakatira sa F. Torres Street sa Concepcion Uno. Kinamusta ko naman ang buhay nila noon sa Concepcion Uno "Naku Po! Dati, lubak-lubak ang kalye namin. Walang kuwenta ang street namin talaga. Sobrang malalim ang lubak at pag tag-ulan sobrang putik. Kapag papasok na kami sa school ng mga kapatid ko, kailangan muna naming mag-lakad ng mga ilang metro mula sa bahay dahil hindi makakapasok ang service namin.”  Pero ayon sa kanya, gumanda at lumaki ang improvement ng F.Torres St. noong 2001. Sa Marikina noong 1992 niya napangasawa si Marissa (Mrs. Martin D) tubong Floridablanca, Pampanga at dito na din sila nagka-anak.

Noong 2002, lumipat sila ng pamilya niya sa Bgy. Fortune. Ang sabi niya "Nung binili ko ang bahay at lupa, rough road din ang kalye namin, pero tiyempong bago kami lumipat, sinemento at inayos ang street namin na parang pang-main road. Maganda at tahimik sa lugar naming sa Fortune."

Kung hindi ka naging DJ, ano ang trabaho mo Martin D? "Sundalo." Agad niyang sagot. "Gusto kong pumasok sa PMA talaga."  Pero bakit pagdi-DJ ang pinili mong trabaho? "Siguro, with the encouragement of my friends and classmates way back in high school. Grade 5 pa lang ako sobrang adik na ako sa radyo. Natutuwa ako kapag ginagaya ko ang sinasabi ng mga DJ’s na pinapakinggan ko at pati ang sign-off spiel ng station ginagaya ko “This is radio station DWXB FM. A commercial broadcast station owned and operated by...”  nakakatuwang panggagaya niya.  Sinabihan daw siya ng mga kaibigan niya na huwag na raw siyang mag-sundalo at mag-DJ na lang.

Napansin kong napapahaba na ng husto ang usapan namin kaya ibinigay ko sa kanya ang pinakahuli kong katanungan at napakaganda ng kanyang sagot sa akin. Ano ang maipapayo mo sa mga mambabasa natin na hanggang ngayon ay hindi pa alam kung ano ang gusto nilang trabaho? "Isipin mo kung ano ba talaga ang gusto mo?  Saan ka magaling? Kung gusto mong maging disc jockey, magbasa ka nang magbasa. Mapa-komiks man iyan, tabloid, Tagalog o Ingles. Makinig ka nang makinig ng radyo. Huwag lang sa isang istasyon at sa isang DJ.  Huwag mo gagayahin ang kanilang estilo. Gumawa ka ng sarili mong style, sarili mong identity.  Be yourself.  Kailangan mo din minsan ng tapang, lakas ng loob at kapal ng mukha.  You need to have the guts. Huwag kang mahihiya."

Pahabol pang katanungan: Ano ba ang sikreto ni  Mr.DJ Martin D para maging magaling na radio DJ? "Keep on striving to be different but be humble to look back to where you set foot. Iyon lang ang sikreto ko.  Walang mangyayari kung uunahin mo ang yabang. Huwag kang magpakalunod sa isang basong tubig". pagtatapos niya.

Posted By Marikeño10:09:00 AM

2.10.2014

Bloggers Day


The Marikeno Blog organized the first ever Bloggers Day in Marikina on February 1, 2014.  It is the first time that Marikeno bloggers meet and greet each other.  We were joined by our fellow bloggers like Migs of Inside Marikina, Mhel of Marikenya and Joseph of Steppin Out of the House blog.  Unfortunately, other bloggers that were invited like Roni of All Over Marikina, Jason of Marikina Valley, Jay of Marikina Life and Tonee and Punky of Marikina Food Trip were not able to show up because of prior commitments. Other friends like Architect Vreneli (friend of Marikeno) and Maestro Isagani, a teacher and a talented artist from Jesus Dela Pena, joined our intimate event.  We decided to make it intimate as it was our very first meeting. It was still a fun and enjoyable night for all of us.  Everyone was excited to meet everyone else.

The event's purpose is to simply meet and know the people behind the Marikina blogs that we all grow up reading.  Another purpose is to encourage other people to blog about their business, hobbies or personal interests.  As bloggers, we all know how easy it is to start a blog.  You can start a blog in less than a minute, literally.  It is the maintaining part that is more difficult.  As experienced bloggers, we can  give tips to the new bloggers on how to start a blog, what to put in a blog and how to get traffic (visitors) to their blog.  Hopefully, this will be a regular thing.  The meeting was truly successful.  We had a good laugh and we were all full. The meeting was sponsored and hosted by our very lovely friend of Yohel's Bagnet Station, Karen Maka.

Posted By Marikeño9:47:00 AM

Tado Lives

Filled under: ,


Arvin Jimenez, more popularly known as Tado is a comedian, actor, radio personality, businessman and activist.  Tado is primarily known for the offbeat television program Strangebrew and the U92 radio program The BrewRATs! To most of his fans, he is simply a comedian and an actor.  But to the Marikenos, he is a hero.  He lived a simple yet meaningful life.  Everyone in Marikina knows him as the one that rides his bike everyday and wears his silly iron helmet yet loved and adored by his friends and family.  He is also a man with many talents and skills. Tado designed LimiTado (photo above credit to LimiTado), taken from the work "Limited", and ran it with his wife. The graphic t-shirts' main selling points are striking messages printed on the shirt and spoofs. Other items include bags, accessories and toy collectibles.  It is a tourist destination on its own rights.

On February 7, 2014, around 7:20am, Tado died in an bus mishap involving a Florida passenger bus. He was among the 14 people who were unfortunate to survive in an accident in Banaue-Bontoc road in Sitio Panggang, Barangay Talubin, Bontoc.  He and his friends were on their way to Kalinga.

The wake of Arvin Jimenez was held on February 9-11 (Sunday to Tuesday) at the Paket Santiago Funeral Homes near the Our Lady of Abandoned Church. The funeral was opened to the public for viewing. Many friends, families and admirers came hoping to get their last glimpse of their humble icon. There are hundreds of heroes here in Marikina.  Tado is one of them.  He is a person full of hopes and determination.  We hope that he will serve as a good example to each one of us.  A simple comedian may have died and left us, but then a true Marikeno hero lived.

Posted By Marikeño9:06:00 AM

1.26.2014

Isagani Fuentes

Filled under: ,


Si Isagani Fuentes, taga-Jesus Dela Pena, 47 na taong gulang ay isang guro, tapat na asawa at ama ng kanyang dalawang supling. Tubong Marikina, lumaki sa Marikina, nagtatrabaho sa Marikina.  Malalaman mo na purong Marikeno si Isagani sa dami at lawak ng kanyang kaalaman tungkol sa bayang sinilangan.  Nagturo siya bilang isang guro ng mahigit sa dalawampung taon sa Paaralang Elementarya ng Leodegario Victorino sa Jesus Dela Pena.  Siya ay guro ng Matematika, Ingles, Heograpiya at Kasaysayan, Edukasyong Pisikal at Sining. Mahilig siyang makihalubilo sa mga bata.  Gustong gusto niyang ibahagi sa mga kabataan ang kanyang nalalaman lalo na tungkol sa Sining.


Binisita namin si Isagani sa kanyang simple ngunit napakagandang bahay sa Jesus dela Pena. Agad kaming ipinakilala sa kanyang magandang asawa, si Liza.  Malalaman mong bago lamang itong ipinagawa at napansin din namin na marami sa mga materyales ay gawa sa kahoy. "Karamihan sa mga upuan, lamesa, kabinet at aksents sa bahay na ito ay galing sa aming lumang bahay. Mahal na mahal namin ang aming lumang bahay na kinalakihan kaya pinilit kong kunin ang mga lumang kahoy mula sa dati naming bahay at ginawa kong palamuti sa aming bagong tahanan."  Mahilig ding mangolekta ng mga lumang kagamitan si Isagani. Gaya ng mga banga, botelya at marami pang iba. Dinala kami ni Isagani sa pangatlong palapag ng kanyang bahay kung nasaan ang kanyang istudyo.  Doon siya nagtatrabaho at madalas mag-ubos ng oras.


Nakita namin ang kanyang napakaraming trabaho at koleksyon.  Marami din siyang mga koleksyon ng iba't-ibang mga babasahin. Patong-patong din ang kanyang mga nagawang mga sining. Sa labas lamang ng kanyang istudyo at meron siyang maliit ngunit maaliwalas na beranda.  Maraming halaman ito at mga alagang ibon.  Kita mo mula sa ikatlong palapag ang buong barangay ng Jesus Dela Pena. Dito siya madalas magmuni-muni at uminom ng mainit na kape matapos siyang magtrabaho sa gabi habang hinihintay ang pagsabog ng araw.


Ipinakita ni Isagani sa amin ang mga obra niya. Makulay at makahulugan ang kanyang mga gawa. Karamihan sa kanyang mga huling ginawa ay gawa sa pintura at acryllic.  Natanong ko si Isagani bakit bul-ol ang napili biyang tema sa kanyang mga gawa. "Bul-ol ang isa sa aking mga subject dahil nagustuhan ko ang features nila, Pilipino talaga. Nagpunta kami noon sa Sagada at mula noon ay hindi na nawala ang image ng mga bul-ol sa aking isip." Natanong ko din si Isagani kung ano ang trabaho niya kung hindi man siya pinalad na maging guro o isang pintor. "Baka ako ay isang arkitekto . Mahilig ako sa mga paggawa ng mga diagrams at plano. Sigurado ako na ito ay nakuha ko sa pagiging estudyante sa Marikina Institute of Science & Technology o MIST), na MariSci na ngayon ."


Sa pagiging guro at isang pintor, ano ang mas matimbang para sa iyo, Isagani? "Mahirap na tanong Marikeno! Noong ako ay paslit pa lamang, hilig ko na talaga ang pagguguhit. May maliit na pagawaan ng tsinelas kami sa silong ng bahay at ako ay nagguguhit ng mga disenyo ng mga tsinelas bilang aking paglalaro. Pagkatapos ko ng kolehiyo ay nagturo ako mula 1989 hanggang sa ngayon. Napamahal sa akin ang paaralan at ang aking pagiging guro.  Sa ngayon ay nami-miss ko pa rin ang silid-aralan. Pareho kong gusto, kaya nga lamang ay kailangan ko nang pumili ng isa. Nasa sining ang puso ko sa ngayon."

Ano ang pinakamaganda mong alaala ng iyong paglaki sa Marikina?  "Maraming alaala sa aking paglaki sa Marikina. Pero eto ang ilan: Naliligo sa ilog na noon ay malinis pa, sumasama sa mga matatanda sa paghuli ng isda sa ilog at sa kubo sa ilog lulutuin, kukuha ng mga gulay sa tumana. Mabagal pa ang takbo ng oras dati at ang lahat ay magkakakilala."



Ano iyong bagay na hindi alam ng mga kaibigan at mga kapamilya ni Isagani?  "Wala na siguro.  Alam nila na ako ay masayahin, mahilig makipag-kaibigan, tahimik, mahilig mag-obserba sa aking paligid."  Matapos ang aming mahaba-habang usapan ay dumiretso kami nina Isagani sa tabing ilog para kumuha ng ilan pang mga litrato.  Marami akong natutuhan sa bago kong kaibigan.  Lalo akong nabighani sa kagandahan ng Marikina.  Hindi lang pala ang mga lugar ang maganda dito sa amin.  Pati rin pala ang buhay at kultura ng aming kapwa Marikeno.

Posted By Marikeño10:57:00 AM

2.26.2010

Meet Vena

Filled under: ,

Vena is a very good friend, a smart licensed architect, a perfect mom for her cute kid, and also a full-blooded Marikeño.

Vena would make a great correspondent for this travel blog because of her witty humor, strong-willed, and adventurous personality. A successful career woman in her own right, she is currently working in one of the best management companies in the country. We pretty much share the same things: she likes to eat a lot and would definitely eat anything as long as it's not icky looking. She's also good in mingling with people from all walks of life and has been awarded with hundreds of friends and associates everywhere.

So let's all welcome her as she will be the future face of Biyaheng Pinoy and Marikeno. Get ready to join her as she takes you on an unpredictable journey to the beautiful and joyful place she calls home. The photo posted above was taken during a photo-walk along the river bend on January 2010 with Vena and her kid, Van.

Posted By Marikeño1:21:00 AM

8.28.2007

An Innocent Smile

Filled under: ,

I remember watching Uncle Bob Lucky 7 Club when i was little and each week they would pick the best smile among their kids audience and its audience would show their sweeest smiles to the camera. This is my new feature in this site and I will call it the Smile Pictures where Marikenos show their best smiles.

This is the best smile that I've seen so far since I've started the Marikeno blog. I saw this Tumana kid when I was taking pictures of the river during the recent typhoon. I will post more smile pictures in this blog. Hope you will like this.

Posted By Marikeño1:35:00 AM

8.12.2007

By the Window

Filled under: ,

An old woman from Sta. Elena was talking to herself by the window. She sounded like she was arguing with someone, whoever that is.

Posted By Marikeño2:40:00 AM